Space Filler

Thursday, January 12, 2006

Hindi maganda ang nararamdaman, pero OK lang...

Well... ewan ko ba ngayon kung ano'ng virii specie ang kumapit sa akin para ako'y magkaroon ng extreme colds ngayon. Hirap ngayong huminga, ngunit I keep on moving pa rin. Kahit na under the weather yung nararamdaman ko ngayon masaya pa rin ako dahil sa maraming bagay... unang-una na diyan yung successful na pagsisimula ng CG namin (CG means cell group) at ang pagiging active ng mga bagong tao... & also ang pagdami ng tao na sumasali sa EsVee. Nawa'y patuloy na gamitin ni Lord ang EsVee sa pag-share ng Kanyang word; sa pag-eevangelize ng ibang tao. Nandiyan din ang pa ang pagdating ng mga matagal ko na'ng hindi nakikita na mga tao... sila Kuya Erwin, Tariratski, si Ids... at pati ang pagbisita ng mga IV pipz from other campuses, katulad na lamang ni Herald (na ka-SG or small group ni Ka Peryo nung nasa LC-DC pa siya). Ano pa ba? Isa-isa kong nakikilala sa aming org kung sino ang kaparehas ko ng hilig sa... syempre (ano pa nga ba?) sa Rock CCM. Andiyan sila Faith, Zai, & Anniefair na na-impluwensiyahan ko ng Relient K, si Ida na kapwa ko Switchfoot fan, si JC na ikinagulat ko na nakikinig ng mga bandang katulad ng Number One Gun, Acceptance, Emery, Mae, at Anberlin. Also din si Herald kanina na nakikinig ng isang local na Against-The-Flow band na Battery at katulad ko na naka-diskubre din ng Rock Hardcore CCM. Ewan ko ba, pero kahit mukhang malala na 'yung sitwasyon ko ay ever thankful (& grateful) pa rin ako kay God... at masaya pa rin. Sana magpatuloy itong fire na ito... sana rin magtuloy-tuloy pa 'yung quiet time na binibigay pa rin niya sa akin ever since.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home