Wednesday, January 11, 2006
Eto na naman ako... nasa stage na ako ng pagsasa-ayos ng lahat ng mga bagay na related sa akin which could take ten years? (Ha ha hindi naman siguro) Oh well, ganun naman, e. We're always under construction - parang sa tunay na buhay. Balik uli ako sa aking mga ka-adikan... Dati (siguro mga one year ago na) nung pag-check ko ng Friendster account ko... na-try kong hanapin sa buong Friendster kung sinu-sino ang mga nakikinig sa mga bandang kinahihiligan ko nung mga panahon na iyon (actually hanggang ngayon pa rin naman) na nag-pe-play ng heavy stuff pero merong Christian elements... tin-ry ko muna yung "Demon Hunter" sa Music preferences. Aba! Nakakita ako ng anim na tao (including 'yung sarili ko) which means sa lahat ng may Friendster account (na most of them ay Filipinos), anim lang kami ang nakikinig ng Demon Hunter. Sumunod naman Living Sacrifice... Aba! Apat lang kami. Magkaiba pa yung mga fans ng Demon Hunter sa mga fans ng Living Sacrifice. Doon sa latter na band puro mga old school yung hilig nung mga taong may preference doon sa band. Sa pangkalahatan... hindi umaabot lagpas sa sampu yung mga nakikinig ng Heavy Rock CCM, merong naalala pa nga ako one time e... March yata 'yun of last year... nung pag-type ko sa Music Preferences ng "Far-Less"... Aba! Ako lang ang lumabas sa search results ng Friendster. Nakakagulat ang pagbabago ng panahon... ngayon kapag pumupunta ako sa site ng Against The Flow ay meron na akong nakikitang "Of The Son" o kaya naman meron nang mga taong nakakakilala sa mga bandang katulad ng One-21 at Officer Negative. Astig talaga si Lord at binigyan niya ang Philippines ng isang show na nasabi na nag-sho-showcase ng ganoong genre ng CCM. Hindi naman sa may biases ako sa mga genres (actually I also listen to some Avalon & Stacie Orrico songs, also KJ-52) ngunit medyo nakalakihan ko na yung mga heavy stuff... Wala lang actually... na-amaze lang ako sa mga pagbabago sa rock music scene... Unti-unti ng pinapasok ng mga Rock CCM bands ang mainstream rock music scene... Unang-una 'yung Jars Of Clay, tapos DC Talk, tapos naman Switchfoot, then Lifehouse, Sixpence None The Richer, tapos biglang umarangkada 'yung P.O.D., Thousand Foot Krutch, UnderOath, The Afters, Acceptance, at lately, Anberlin... He he... hanggang dito na lang po muna...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home