Space Filler

Monday, March 06, 2006

After a month & several days without blogging... Here's what happened.

Yup. I'm very preoccupied with a lot of things. How I miss posting something in my Blogspot account, he he. Grabe ang daming nangyari sa loob ng isang buong buwan (at ilang araw). Maraming inspirasyon, pati rebelasyon. Maraming nangyari sa bansa, pati na rin sa mga sikat na tao. Maraming trahedya, ngunit naipapakita dito sa mga nangyari ang muli pa rin nating pagbangon. Siguro mas maganda kung ito'y nagsisimula sa sarili, at hindi na natin hihintayin pa ang iba na magbago bago pa tayo. Sa aking buhay naman ay napuno ng lubos na prokrastinasyon ang karamihan sa aking oras, na dapat ay iginugugol ko sa maraming bagay. Sigurado ako na ang isa sa mga dahilan ng pagkalugmok ng ating bansa ay ako, ngunit kahit sino naman sa ating mga Pilipino ay responsable din sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan. Ngunit isang bagay lang siguro ang maituturing kong isang napaka-significant na rebelasyon sa akin nitong buong buwan na lumipas, na ang pagmamahal pala'y hindi isang pakiramdam. Ito'y isang commitment; may kahalong responsibilidad. May mga bagay na kailangang isakripisyo o ibigay dun sa isang bagay o tao para ito'y masasabing pagmamahal. Parang sa pagmamahal natin sa ating Panginoon. Huwag nating kakalimutan na bigyan palagi natin ang ating sarili ng oras na magkaroon ng tinatawag na "bonding session" sa Maykapal. Magiging napaka-fulfilling ng isang buong buhay na talagang nasusubaybayan ng Panginoon. O sige hanggang dito na lamang muna, Sign-off muna ako...