Space Filler

Monday, February 06, 2006

Mga geeky insights pero kapupulutan ng sense...

"What is ε0?" Eto ang naging diskusyon namin dati nung ako'y nag-tetake pa ng Physics 72. Eto ay yung constant sa interaksyong elektrostatiko sa kahit na anong bagay sa sangkalawakan. Ang consant na ito ay matatagpuan sa denominator ng pormulang nagbibigay ng puwersang elektrostatiko. Naalala ko tuloy ang nabasa ko sa isang magasing pansiyentipiko (nakalimutan ko na yung pangalan) na ang pagsukat ng mga physicist sa consant na ito habang lumilipas ang panahon. Lumalabas na ito'y bumababa (although negligible ang amount), ngunit maitatanong niyo, "Ano'ng significance nito sa aming lahat?". Well, MARAMING implikasyon ito. Unang-una since ito'y natatagpuan sa denominator, ang pagliit nito'y may kaakibat na pagtaas ng puwersang elektrostatiko sa kahit ano'ng bagay. Ano'ng ibig sabihin nito? Darating ang panahon na mag-cocompress ang lahat ng bagay sa iisang point- ang singularity. Baka siguro isa na ito sa mga magiging causes sa sinasabi ng Scripture na "This world will soon come to pass..." Ano pa ba? yung tinatawag na ΔSuniverse, o yung change in entropy ng buong kalawakan. Alam niyo ba na ito'y positive? Ano'ng ibig sabihin nito? Ang entropy kasi ay isang quantity na nagsusukat ng "chaos" sa lahat ng forms ng matter. Lahat ng nag-caucause ng init ay may katumbas na positive ΔSuniverse, kahit na ang refrigerator na nagpapalamig ng mga pagkain ay merong naidadagdag sa ΔSuniverse. Ano'ng implikasyon pa nito? Darating sa punto na magiging kritikal na ang laki ng ΔSuniverse, ...at sasabog na ang lahat kapag nangyari iyon. Wala lamang... naalala ko tuloy yung sinabi ni Franklin Graham sa luneta na, "Now's the time for salvation, now's the time to come back to Christ (paraphrased).".