Thursday, December 29, 2005
About Me
- Name: Nikko
- Location: Quezon City, Metro Manila, Philippines
A rocker, a biochemist, a christian, a philologist, a sleepy guy, a music geek, a loner, a busy guy, & a talkative guy all in one package.
Links
Extra Links (Pampahabol)
- GODCORE!!!
- Tooth & Nail Records
- Facedown Records
- Christian Rock Lyrics
- The Edge Radio Philippines
- Listen to The Edge Radio Philippines
- BEC Recordings
- Praise! Music Philippines
- Sleeby.com Shop
- Jesusfreakhideout.com
- Reverendfun.com
- ChristCoreMusic.net
- The Crashdog/Officer Negative fans' Purevolume site
- The Officer Negative/Dogwood/Twiceborn fans' Purevolume site
- Christian Metal in Christianster
- My old, never-to-be-updated again, deleted-by-Blogger blogsite
- United Liberation Front site (this is not a political site!!! he he...)
- Greenpeace International
- Christian Downloads.com, for your CCM album needs (he he)...
- Cool Local CCM Events (these are for everyone, don't worry...)
Fun stuff (from Reverendfun.com)
Posters!!!
Previous Posts
- Paradox Part II - The Television Program
- Paradox Part I - The Dream
- To The Secret State
- To Those Who Are Left Behind
- It's been more than a year already
- My Top 107 LSS songs of 2006
- 105 Symptoms to know that you're a Filipino Christ...
- The perils of having computer shops around you whi...
- The Anthem, The War Cry, whatever you call it...
- Today seems like forever... but really afraid to l...
Archives
- December 2005
- January 2006
- February 2006
- March 2006
- April 2006
- May 2006
- June 2006
- July 2006
- August 2006
- September 2006
- October 2006
- January 2007
- April 2008
- May 2008
- June 2008
O eto, dito kayo mag-comment. Basta siguraduhin niyo lang na mag-uuwi kayo ng pasalubong galing Pluto. Lalo na yung halu-halo nila dun. Masarap. FYI: nachrichten means message, hilfe means help. Guess niyo kung ano sa German ang clock? tiktak. Napaka-predictable ng German language, 'no?
OTHER INFORMATION
The interview with the Northern Wolf. bow.
1. Bakit "Northern Wolf" ang gusto mong i-alias sa iyo at hindi kung anu-ano pa'ng mga aliases?
Actually mababaw lang ang reason kung bakit e. Ang lugar na tinitirhan ko ay nasa bandang likod ng SM North. Pagkatapos ay mahilig ako sa aso. Wolves sure do look like dogs in some sort of way... he he... Actually I think meron sa aking personality na tipong wolf-like.
2. Kung ikaw ay paparusahan at gagawing isang kotse sa loob ng isang linggo, ano'ng tatak ang gusto mong maging?
Ferrari o kaya Lambourghini. Pwede ring Alfa Romeo, Citroen, Saab, Volvo, Renault, Jaguar, Peugeot, at kung anu-ano pa'ng European Sports Cars (Hwag lamang BMW o kaya MB, o kaya din Porsche.)
3. Ano'ng pinagkaibahan mo ngayon kaysa nung ten years ago pa?
Simple lang naman e, dati porn-freak, ngayo'y Jesus-freak.
4. Kung ikaw ay paparusahan (sa iba namang pagkakataon) na ikaw ay gagawing ibang specie ng hayop sa loob ng isang buwan, ano'ng uri ng hayop ang gusto mong maging at bakit?
Elepante. Kasi ang utak nila'y limang beses pa na mas malaki kaysa sa utak ng tao. Kapag ako'y nagkaroon ng utak na ganoon kalaki , tiyak na marami akong matututunan o kaya'y maiisip. Masarap kasing mag-isip kung minsan...
5. Eto naman. Kunyari bibigyan ka ng libreng visa, round-trip ticket plus libreng pamasahe (Billion dollars ang halaga) at saka sangkatutak na pocket money, saan mo gustong pumunta na lugar at bakit?
Sa Spitzbergen Islands sa Norway. Ever since nung bata pa ako talagang fascinated ako sa Scandinavia. Hindi ko alam kung bakit, pero talagang naaantigan ako sa mga sights. Gusto ko ring makakita ng Aurora Borealis at talagang sipunin sa temperaturang negative 15 degrees Celsius.
6. Kung ikaw ay magkaka-banda ano'ng banda ang pinakagagayahin mong mag-gig at bakit?
Actually dalawa ngayon ang nagiging inspirational sa akin habang sila'y nag-gi-gig (although wala sa Philippines yung mga concert nila, 'yung mga testimony pa rin ng mga nakapanood ng performances nila yung mag-ma-matter) Una yung Stryper. Sana kapag may sarili akong banda mamimigay (mamamato) ako ng mga libreng pocket-sized na bibliya sa odyens. Pangalawa yung UnderOath. Meron pa silang after-speeches pagkatapos ng bawat kanta na pine-perform nila. 'Yung tipong tatamaan ang audience, hindi outright (lifeless) preaching, 'Yung kung tungkol saan yung mga kanta nila, pagkatapos ay i-re-relay nila yung Christian message nung mga kanta nila. Awesome. 'yun lamang ang masasabi ko sa mga bandang ito. Awesome.
7. Eto, ano'ng una mong bibilhin sa una mong kinsenas sa una mong trabaho... pagkatapos mong mag-aral ng kolehiyo?
CD!!! any ATF-CD huwag lang yung meron na ako...
8. Eto naman, Kapag magiging Trilyonaryo ka naman ano'ng gusto mong gawin sa pera mo?
Magtatayo ako ng business. 'yung tipong mala-Tooth & Nail Records sa Amerika. I-sa-sign-up ko sa recording company ko yung mga ATF bands na umaaligid-aligid sa mga music bars at nag-pe-perform, hoping na makilala kahit na indie pa. I-pro-promote ko yung music nila sa aking sariling TV station, mala-MTV ang dating ngunit puro music videos lamang ng mga ATF (foreign at local) bands. Astig 'di ba? How's that for evangelism?
9. Kamusta si Northern Wolf bilang estudyante ng Bayokimika sa UP Manila?
Intoxicated physically, mentally, dati rin morally, spiritually, psychologically, socially, at emotionally. Pero ngayon yung huling lima okey na. Yung dalawa "under construction" pa rin. Enjoy pa rin sa mga subjects kahit minsan yung mga resulta ng mga exams ay mas mababa kaysa doon sa expected ko. Ayon nga sa isa kong professor... "Mag-feeling matalino".
10. Ano ang pinaka-paborito mong amino acid at bakit?
Ikaw 'tol a... hinuhuli mo ako sa mga ka-weirdohan ko sa biochem ha... o sige kung gusto mo... gusto kong amino acid yung Proline, kasi binabago niya yung secondary structure ng mga proteins. Iniiba niya yung conformation ng buong protein. Na-inspire ako doon sa amino acid na iyon. Kung will ni Lord, sana gawin niya akong history-maker, one who changes things for the better. Katulad nung amino acid na nasabi, I want to be revolutionary, hindi yung against-the-government kind of thing, ngunit isang radikal, patay sa mundo, tumatakbo ng pasaway sa agos. Isang radikal na tao na ang buong buhay ay hindi inaalay para lamang sa sarili, kundi sa Diyos.
11. Kung ang buhay mo ay gagawing pelikula, ano'ng pamagat nito at bakit?
Marami Pa Akong Kakainin Na Bigas. Dahil marami pa akong kailangang matutunan sa buhay na ito.
12. Sino sa mga karakter sa palabas na Spongebob Squarepants ang nakikita mong may pagkahawig sa katauhan mo at bakit?
Siguro si Patrick. Ewan ko, pero iniisip ko pa rin na kadalasan ay stupid pa rin ako. Terminal case of stupidity pa nga yata, e. Siguro kung hindi ko nakilala ang Panginoon talagang Ward 7 (sa PGH) ang punta ko (tingin ko lamang)
13. Ano'ng mga Non-ATF bands ang tinitingala (hinahangaan) mo ngayon at bakit?
Ngayon... siguro yung Coheed & Cambria. ang galing nilang mag-sulat ng lyrics... may plot. Pangalawa siguro 'yung Fall Out Boy kasi ang catchy ng mga kanta nila, e. 'Yung tipong kahit busy ka at nakikinig ka ng Fall Out Boy, makakabisado mo 'yung mga kanta nila.
14. Kung posibleng may time machine at bumalik ka sa oras anu-anong mga taon ang gusto mong balikan at bakit?
Una, 1974. Kasi doon unang nilabas ng Petra 'yung unang album nila. One of my favorite bands. Pangalawa siguro 'yung 1991. Marami kasi akong masasayang alaala nung taon na iyon, although yung karamihan nakalimutan ko na, pero ramdam ko na masaya talaga ako nung taon na iyon.15. Most unforgettable quote at bakit?
Actually nasa chorus ng isang kanta ng Subseven, "Mayday" -- "mayday [ mayday ] - mayday [ mayday ] I'm calling on You - I need You here tonight -" Actually the whole song speaks about surrendering oneself to the redeemer, kaya 'mayday - I'm calling on You'. Yung tipong parang yung message ng "I So Hate Consequences" ng Relient K. 'Yung bagay na kahit na sobrang nawala ka na sa tamang landas dahil sa kagustuhan mong malihis... naghihintay pa rin Siya.
Tapos na po yung interview kay Northern Wolf. Sana kapulutan niyo ng sisig este aral pala yung nangyaring panayam sa may-ari ng blog site na ito. Nawa'y na-enjoy niyo 'yung nasabing panayam, kahit na kinatulugan niyo ang mga ilang bahagi nitong panayam. Nawa'y sana naging nakakatuwa kahit na kadalasan sa panayam na naganap ay mga ka-weirdohang bagay ang lumalabas sa diskusyon. Kung maaari maki-oso na lamang sa nagpapanayam dahil sa mga tanong na lumabas (Please bear with the interviewer because of the questions that were raised) Kunsabagay, Hindi lamang rocker si Northern Wolf, Hindi rin lamang isang weirdo, kundi siya'y si Northern Wolf (ano pa nga ba?).